Me and my friend went to Tudings, sa Muntinlupa for dinner. Siguro mga 9pm na rin un, umuulan pa ng papunta kami dun. Pagdating dun, merong bata sa may stairs paakyat. Dun siya mismo sa may last steps na may hawak siya Sampaguita. Nagtitinda, eh sabi ko nga umuulan that time, though hindi siya totally nauulanan may tumutulo pa rin sa may tapat niya. Naaawa ako sa bata... i guess mga nasa 5 to 6 years old lang siya pero since galing nga sa hirap na palmilya he look a little smaller than his age. tapos mejo payat lang talaga, nage-stretch siya ng braso niya na halatang antok na. Naisip ko kawawa naman siya... bakit hindi pa siya hinahanap ng magulang niya eh gabing gabi na. And unlike any other kids hindi siya yung makulit na bata na laging nakasunod o mangungulit...nag-aantay lang siya kung may bibili. Actually, nagooffer lang siya kapag paalis na ung customer. Meron namang mga bumibili... nung kakain na kami tinitignan ko talaga siya. ang naiisip ko, kumain na kaya siya?? mukhang antok na antok na siya... yung friend ko naman sabi niya kawawa naman si totoy.. antok na nga.
madami ang serving dun sa kainan para sakin. Hindi ako makakain ng maaus kasi iniisip ko may bata na nakatingin sakin naaawaa ako. Kung marami lang ako pera, sabi ko sa friend ko pakakainin ko siya o kaya bibilhin ko lahat ng paninda niya. Kaso bigla kong naisip pamilya ko sa probinsya. dinaranas din nila yung ganun paghihirap doon.. although iba nga lang talaga kasi probinsiya yun eh.
Hanggang sa mag-iisang oras na kami kumakain ang tagal-tagal ko kasi parang nawawalan ako ng gana isipin na may batang dis-oras ng gabi nagtatrabaho para sa pamilya niya and to think na dapat nanonood siya ng TV sa oras na yun o kaya naman natutulog na.
Ganito na ba talaga mag-isip ang mga tao? Nagpapamilya ng hindi handa at hindi pinag-iisipan.
Malapit na rin ako magbuo ng pamilya pero alam ko naman kung ano lang ang kaya ko ingatan at pangalagaan na bilang ng miyembro ng aking magiging pamilya.
Sana lang ang mga magulang o kahit na yung mga nagbabalak mag-asawa naiisip muna ang magiging kapakanan ng kanilang mga magiging anak dahil sila ang kawawa sa huli, hindi yung puro sarap lang sa una ang ginagawa tapos pagandiyan na ang resulta, pabaya na.
Nakakalungkot isipin, marahil dahil ito sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa pagpaplano ng pamilya at tamang gabay mula sa mga nag-alaga din sa kanila.
Salamat sa pamilya ko at sa mga tao saking paligid na dati pa nagturo sakin dahil nakita ko ang naging epekto nito sa kanila kaya meron na akong mga halimbawa.
Hanggang umuwi na kami ng friend ko, lahat ng barya ko sa bulsa binigay ko sa kanya, siguro mga almost 30pesos din yun na tag-pipiso at lima. Pero para sa kanya malaking halaga na yun.
At eto ang nakakatuwa dun, nakita ko binibilang niya. Oh di ba, marunong siya magbilang...:)))
No comments:
Post a Comment