Wednesday, August 4, 2010

I AM NOT SLEEPY AND ITS 2:11AM ALREADY

i don't know what to do now. but i really can't sleep

:(((

Thursday, July 29, 2010

NO.1 HARDEST THING

it is hard to receive words that you DON'T really want to hear in your entire life.
much more when it came from the person you love.
unexpected, but yes... this is part of the process. but again, parang pinipiga ang puso.
i love the person so like what this saying says:


I LOVE HIM SO MUCH THAT I AM READY TO FACE WHATEVER THE CIRCUMSTANCE IS.
YOU ROCK MY WORLD. :) :) ;)))

Why Philippines, why??

Gusto ko lang i-share something happened last night.
Me and my friend went to Tudings, sa Muntinlupa for dinner. Siguro mga 9pm na rin un, umuulan pa ng papunta kami dun. Pagdating dun, merong bata sa may stairs paakyat. Dun siya mismo sa may last steps na may hawak siya Sampaguita. Nagtitinda, eh sabi ko nga umuulan that time, though hindi siya totally nauulanan may tumutulo pa rin sa may tapat niya. Naaawa ako sa bata... i guess mga nasa 5 to 6 years old lang siya pero since galing nga sa hirap na palmilya he look a little smaller than his age. tapos mejo payat lang talaga, nage-stretch siya ng braso niya na halatang antok na. Naisip ko kawawa naman siya... bakit hindi pa siya hinahanap ng magulang niya eh gabing gabi na. And unlike any other kids hindi siya yung makulit na bata na laging nakasunod o mangungulit...nag-aantay lang siya kung may bibili. Actually, nagooffer lang siya kapag paalis na ung customer. Meron namang mga bumibili... nung kakain na kami tinitignan ko talaga siya. ang naiisip ko, kumain na kaya siya?? mukhang antok na antok na siya... yung friend ko naman sabi niya kawawa naman si totoy.. antok na nga.
madami ang serving dun sa kainan para sakin. Hindi ako makakain ng maaus kasi iniisip ko may bata na nakatingin sakin naaawaa ako. Kung marami lang ako pera, sabi ko sa friend ko pakakainin ko siya o kaya bibilhin ko lahat ng paninda niya. Kaso bigla kong naisip pamilya ko sa probinsya. dinaranas din nila yung ganun paghihirap doon.. although iba nga lang talaga kasi probinsiya yun eh.
Hanggang sa mag-iisang oras na kami kumakain ang tagal-tagal ko kasi parang nawawalan ako ng gana isipin na may batang dis-oras ng gabi nagtatrabaho para sa pamilya niya and to think na dapat nanonood siya ng TV sa oras na yun o kaya naman natutulog na.
Ganito na ba talaga mag-isip ang mga tao? Nagpapamilya ng hindi handa at hindi pinag-iisipan.
Malapit na rin ako magbuo ng pamilya pero alam ko naman kung ano lang ang kaya ko ingatan at pangalagaan na bilang ng miyembro ng aking magiging pamilya.
Sana lang ang mga magulang o kahit na yung mga nagbabalak mag-asawa naiisip muna ang magiging kapakanan ng kanilang mga magiging anak dahil sila ang kawawa sa huli, hindi yung puro sarap lang sa una ang ginagawa tapos pagandiyan na ang resulta, pabaya na.
Nakakalungkot isipin, marahil dahil ito sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa pagpaplano ng pamilya at tamang gabay mula sa mga nag-alaga din sa kanila.
Salamat sa pamilya ko at sa mga tao saking paligid na dati pa nagturo sakin dahil nakita ko ang naging epekto nito sa kanila kaya meron na akong mga halimbawa.

Hanggang umuwi na kami ng friend ko, lahat ng barya ko sa bulsa binigay ko sa kanya, siguro mga almost 30pesos din yun na tag-pipiso at lima. Pero para sa kanya malaking halaga na yun.
At eto ang nakakatuwa dun, nakita ko binibilang niya. Oh di ba, marunong siya magbilang...:)))

Wednesday, July 28, 2010

MY DREAM WEDDING

this is what i want to hear at my wedding. :]

http://www.youtube.com/watch?v=C3WczVmH6j0

AFTER CENTURY, HERE I AM AGAIN

i miss this thing! we are now on 2 weeks of waiting for the second visit.
excited na ko to see him and to introduce him to my parents.
and of course, i am more excited about my next step in life. hope this is also what God's will for me...

dito ko ngayon sa Room 302 ng current work ko, just finished from the preliminary examination i gave to my students. kakaloka talaga 'tong mga estudyante ko, they keep on asking each other about the exam. taz magkokodigo na nga, obvious pa!!
grabe na talaga mga estudyante ngayon. ikaw na lang mahihiya mangsita kasi mga dalaga't binata na sila. binigyan n nga ng 2 minutes to scan their notes and get answer but guess what's the next issue? WALA SILANG NOTES!! oh my... kaya takbo sila sa klasmeyt para manghiram ng notes.. grabe. i am not so sure if they do this because they don't respect me or they find me kind to them kaya ganun.

sometimes it is really hard to deal with this OLDER students, i am 24 today yet i have students who are older than me like until 30+ or 40+.
the worst are this older boys. they have this group of friends and that they influenced the younger one. haizzz..

but i am sure, kung ano man ang ginagawa nila today,, sila din naman ang magsa-suffer in the end. :))

Thursday, April 22, 2010

...stressful days!

i am not in the mood to tell stories.
but just want to say hi to my ONLY mahal.

luv u TWT.
miss you sooo much,
i keep thinking of you.
to lessen my stress. ; ]

Monday, April 5, 2010

love...love...love

ehem,,, in love ako.
totoo,,, in love talaga ako.
tsk tsk!

haiz!!
in love mga ako. haizzzzzz................. (.")

Lifetime Memorabilia

may pinuntahan ako nung Holy Week.
Hulaan mo na lang kung saan 'to.
BBC kami nag-stay. ok naman yung place,,, a practical place to choose, i swear.
ganda ng place nung mga unang araw kasi di pa maxadong matao. kahit peak season, ganda ng tubig taz ung mga resto and bars along the shore. haha

uhm,,, napuntahan ko iba-ibang resto and bars (di naman ako mayabang, ano. pero hindi naman ako ang nagbabayad kaya keri lang)
share ko lang ang mga nice places to go.

unahin na natin ung dabest na choices ko
eto un - Nigi Nigi Nu Noos 'e' Nu Nu Noos
ang maganda dito kasi MURA and pagkain at drinks, P800+ lang nabayaran pero astig, mukha ka na rin sosyalin. at ang isa pang maganda dito is ganda ng mga choice of sounds! promis! -in sila.

next is Jony's,
ganda. sarap ng location nila. just enough taz mabait and approachable staff. taz malaki ang glass ng shakes and drinks nils, panalo tlaga.

next is Willys
aus. di ko natapos ang drinks ko, grabe!
nahilo ako sa mango daiquiri nila! tsk tsk! buy 1 take 1 daw eh kaya pala di mo na maiinom ang pangalawa!
di maxadong kasarapan ang pagkakagawa at mejo bastos ang staff na naencounter ko.
ayun parang gusto tuloy upakan ng kasama ko. pero aus lang, nice sunset naman nung time na yun

next is zuzuni
tsk tsk! aztig fren!
ok ang view taz ok din ang staff. ganda ng settings nila sa gilid ng shore. nice! ok pa ang drinks and shakes!
amen.

next is Red Coconut
asus! perfect for dinner mare!
nakakaihi ang environment and mood sa place na 'to.
nakakaihi sa kilig! ehehehe
ganda ng sounds, ng food, ng service at ganda ng ambiance. almost perfect.
almost lang.

next is SAnd Bar
aus din ang drinks
shakes and mga alcoholic nila astig,
nice service and sounds, which is usually un lagi ang target namin
hehe

next is Grand _____ resort
uhmmm,,, may masungit na lalake dun. pero aus kasi xa nag picture samin, at dun din ako sa may place nila nagpa braid.
masarap ung mango shake nila with buko.
mahal xempre. tsk tsk

eto,, eto tlaga wlang tatalo sa experience ko dito
Discovery Shores a'k'a Adrians Bar
hehehe, di kasi namin natandaan ung name ng place kaya tinawag namin xa sa pangalan ng waiter na nagserve
galing ng presentation nila at the best and drinks nila
at naglunch din kami dun, da best ang service
ipapatikim nila ang malamig na shakes na ibinubuhos sa katawan haha!
opo! NATAPUNAN kasama ko ng shakes at sabi pa ng waitress "oh shit!"
hehehe, tawa kami ng tawa pero ok lang naman na natapunan kami, puno lang naman ang tsinelas ko ang ang binti ko ng shakes.
sori ng sori si Miss ano ba yun? nakalimutan ko
pero ui wlang tatalo sa food nila and servings
galing!! GALING DIN NG PRESYO!!! lunch lang prawn and burgers inorder namin plus shakes and drinks, P2,800+ ang bill?! tsk tsk buti na lang may pera kasama ko, haha
thrice kami nagpunta dun,,, di mo tlaga makakalimutan ang srap ng presyo at drinks nile ; ]
gwapo pa at mganda mga waitress and waiters. hehe

sa maliit na mall naman tayo, may russian resto dun na may mga bastos na customers.
umalis din kami kagad. matnda na malandi pa.
strawberry daquiri naman dun
marami kaming napuntahan for "shakes" lang
may fruit shakes stand din dun
sarap ng 32oz nila. malamig pati bungo mo pagnaubos mo

may isa pa dun na resto na may live band ganda din. kaso sungit ng singer, pero ok lang. ganda naman ng sounds and mabait ang nagserve, hehe
dinner is ok dun. kaso nakalimutan ko pangalan nun

may isa pang resto and bar dun na may fire dance tuwing gabi di ko alam ang name pero di namin na-try kasi nakakatakot mga bakla kung magsayaw! hehe

wait, ung Jony's pala aastig ang Bananatella. malupeet!
taz may iba pang resto and bar di ko na alam ang mga pangalan pero halos lahat mganda talga mga ambiance and iba iba din ang services na ipapatikim sayo kahit magkakadikit lang sila.
galing, kasi may pera yung kasama ko.

ibig po sabihin sa lahat ng natikman ko ni minsan hindi ako nagbayad ok.
xa lahat ang nagbayad.
bakit? eh kung ako naman ang tatanungin di naman ako pupunta sa mga yun for experience daw
aba, may coupon naman sa hotel bekit pako punta dun


Tuesday, March 23, 2010

bakit blue ang tubig?? eto kunwari may alam (,")

ahahaha! ; ]
it is 4:34PM school time yan
at 5:30 pa klase ko
naalala ko lang kanina yung napagusapan namin ng teacher namin
sa info area ha hindi sa klase, mga trip lang ba pagusapan
naalala ko kasi yung tanong na "bakit blue ang kulay ng tubig?"
nasagot niya na yun before eh, then i've researched about it...
di ko na matandaan at ala ako balak i-research muna bago magtype nito, hehehe
tignan natin kung tama pa

ang kulay daw ng tubig dagat ay blue because the oxygen content of water has color which is faint blue. and that oxygen content habang dumadami ang tubig is mas lalong nagiging visible sa mata ng tao - ang color.
but why the water inside a glass is not blue? - tanong ko yan kay sir before pero may sagot xa na iba eh at nakalimutan ko na kaya pcenxa ; ]
ayun dun sa nabasa ko, kaya daw and tubig sa baso is not blue it's because, kunti lang yung amount ng tubig. ibig sabihin though merong amount of oxygen yun at with faint blue color, that color is not enough to be invisible to man's naked eye.
unless padamihin ang tubig like isang swimming pool kadami then the tendency is mas kita yung color blue.
-yun lang po!!
si sir kasi mahilig mag-analyze ng mga theory about silly things
actually mas madami pa, i am thankful at mejo makakalimutin ako kaya di ko na maalala pa

geh! ; ]

Monday, March 22, 2010

tawa! tawa!!

1:34am (March 23 na sa Pinas)

hi
wento ko lang ung nangyari sakin, hehehe
mejo kakaiba kasi
nagpunta kasi ko ng cavite sa uncle ko
since ala tao the whole day
eh nagdecide ako maglakad-lakad tutat matagal-tagal na din ako di nakakapasyal along that way
when suddenly, my eyes were tricked to that store near the area where my feet is bringing me up to, beside HBC. and it is Dunkin Donuts!!
sabi ko "wow! konti na lang ah!"
taz sinipat sipat ko ung harap na part ng display, eh hindi ako kuntento ng,,,
bigla kong pinasok ung ulo ko sa may window counter para mas makita ko alin mas masarap!
ang kaso?!! tsuguuuuuuuggggggg!!!!
aruuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyy!! ang NOO ko bumangga sa salamin! tsk tsk,,
kitang kita ko, parang gustong humagalpak ng tawa ung tindera pero kinikimkim lang. hehehehe
may salamin pala!! hahahahaha
xempre para cool, smile lang ako kahit parang duguan na noo ko
si ate tindera, namumula na sa pagpigil ng tawa!! hehehe
aus! ayun, saya-saya ko kasi yung maghapon na boring sa bahay, ayun! at nag kakwento, saya!! ; ]

day 1 yun,,,
eto ang day two,,,

uwi nako ng munti sa Bhaus ko
eh xempre umagang umaga di ba, antok ka pa kahit may pasok na sa work
sakay ako ng Multi cab, ung GOLD sa may SM Molino
bigat ng Bag ko pero keri lang
ang lagay eh, nakatulog ako sa CAB!!
sarap! hanggang sa paggising ko Terminal na at babaan na pala
baba naman ako,,,

eto ang wento,
sa kakapili ko ng jeep na sasakyan, aba aztig! ung nasakyan ko na jip andun ung mga shoolmate ko dati, na kaklase ko dati, na student pa rin ngayun pero "ma'am" na ko nila,,, hehehe
pag-akyat ko, "ma'am, punta ka din ng San Pedro?"
sabi ko "ha? bakit? hindi, pauwi lang ako"
sabi ni isa, " eh bakit san pedro sakay mo?"
sabi ko,, "di nga? san pedro to?"
sabi "uu nga!"
hala!! sabay sabi ko sa driver, "mama! sandali lang po, nagkamali lang!!" hehehe
sabay hagalpak ng tawa ung dalwa!! pang-asar!
hehehe, badtrip talaga. siguro tulog pako ng time na un.
ayun, eh di bumaba ako ng may ngiti sa labi,
galing no? kahit papano napasaya ang araw ko dahil sa katang**** ko ; ]
ok??

Friday, March 19, 2010

good day!!

its a nice morning.
pinag-iisipan ko lang at this moment kung kelangan ko pa bang mag-breakfast kahit na 10:30am na or antayin ko na lang na mag lunch time para brunch na lang??
hehehe, mukhang ang kalalabasan eh sa kakaisip ko kung ano dapat ang choice eh aabutin din ako ng lunch time!!
yan ang masarap sa pag-boboarding house. super/mega/duper/diamond/for all season kung magtipid. mahirap magbudget ha, tsk tsk.

aus!

isip isip,,,

ilang days na lang, ayun oh! mangyayari na talaga.
napapaisip tuloy ako...
pag ang Baygon ba ini-spray sa mukha nakakamatay o nakakahilo lang katulad ng nagyayari sa ipis?
-wala pa kasi gusto mag try.
xempre ayoko magtry kasi wala pako nalamang nag-try nun. if ever, ako ang mauuna kaya nakakatakot di ba?

eh ung hawakan ang umiikot na elise para patigilin ito?
ano ba yang naiisip ko,,, siguro antok na talaga ako.
haiz,,, sige na nga. bukas uleet... ; ] ; ] ; ] ; ] ; ] ; ] ; ]

wow! this is it!!

mga 2:34 am na dito sa clock ng laptop ko. Friday, pero di pa ko natutulog.
Nadiscover ko lang 'tong blogspot from a friends site. meron pala nito, sa sobrang dami ng links na sinalihan ko (e.g., facebook, friendster, sulit, multiply, myyearbook, myspace, multiply, ning.com,) at kung ano ano pang sites, ilan lang jan ang alam ko pa ang password. Mejo magulo kasi akong tao, pagmeron naisipan, go! at sobrang confident na maaalala ko pa lahat samatalang at the age of 20 ulyanin na ako. hehehe
active na mga sites ko, facebook tz sulit. Fb para sa friends at sulit para sa sideline. aba, malaking tulong ang net sa sideline ko ha, marami na rin akong naclosed na transaction sa Rent-a-van service ko. ok din naman ang kita though once in a blue moon kung may magpa-book. hehe

alam mo, isa sa mga isyu ko sa sideline ko na yun is yung mentality ng mga inquirer. grabe, kulang na lang hiramin na lang ang van at mag thank you kung magpresyo ng rent. yun tuloy, hi-blood si kalbo! haha

eto wento ko, worst na araw to sa lahat ng araw sa mga araw dito sa current career ko, grabe!
tingin ko nga nag 180/180 ang dugo ko.
bakit kaya may mga ganung estudyante? akala nila pumasok sila para lang magdisplay at magpacuteness sa school instead na mag-aral at makinig. at eto pa, instead na mahiya dahil hindi makajoin sa discussion, aba may gana pang ngumiti na para bang proud na Bopol xa!! well, sori sa term i know walang bopol, TAMAD NAGLIPANA!!
salamat sa hangin naa pumasok sa ilong ko at nagawa ko pang huminga at kung hindi baka sa Ospital ako lumagpak!