Tuesday, March 23, 2010

bakit blue ang tubig?? eto kunwari may alam (,")

ahahaha! ; ]
it is 4:34PM school time yan
at 5:30 pa klase ko
naalala ko lang kanina yung napagusapan namin ng teacher namin
sa info area ha hindi sa klase, mga trip lang ba pagusapan
naalala ko kasi yung tanong na "bakit blue ang kulay ng tubig?"
nasagot niya na yun before eh, then i've researched about it...
di ko na matandaan at ala ako balak i-research muna bago magtype nito, hehehe
tignan natin kung tama pa

ang kulay daw ng tubig dagat ay blue because the oxygen content of water has color which is faint blue. and that oxygen content habang dumadami ang tubig is mas lalong nagiging visible sa mata ng tao - ang color.
but why the water inside a glass is not blue? - tanong ko yan kay sir before pero may sagot xa na iba eh at nakalimutan ko na kaya pcenxa ; ]
ayun dun sa nabasa ko, kaya daw and tubig sa baso is not blue it's because, kunti lang yung amount ng tubig. ibig sabihin though merong amount of oxygen yun at with faint blue color, that color is not enough to be invisible to man's naked eye.
unless padamihin ang tubig like isang swimming pool kadami then the tendency is mas kita yung color blue.
-yun lang po!!
si sir kasi mahilig mag-analyze ng mga theory about silly things
actually mas madami pa, i am thankful at mejo makakalimutin ako kaya di ko na maalala pa

geh! ; ]

Monday, March 22, 2010

tawa! tawa!!

1:34am (March 23 na sa Pinas)

hi
wento ko lang ung nangyari sakin, hehehe
mejo kakaiba kasi
nagpunta kasi ko ng cavite sa uncle ko
since ala tao the whole day
eh nagdecide ako maglakad-lakad tutat matagal-tagal na din ako di nakakapasyal along that way
when suddenly, my eyes were tricked to that store near the area where my feet is bringing me up to, beside HBC. and it is Dunkin Donuts!!
sabi ko "wow! konti na lang ah!"
taz sinipat sipat ko ung harap na part ng display, eh hindi ako kuntento ng,,,
bigla kong pinasok ung ulo ko sa may window counter para mas makita ko alin mas masarap!
ang kaso?!! tsuguuuuuuuggggggg!!!!
aruuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyy!! ang NOO ko bumangga sa salamin! tsk tsk,,
kitang kita ko, parang gustong humagalpak ng tawa ung tindera pero kinikimkim lang. hehehehe
may salamin pala!! hahahahaha
xempre para cool, smile lang ako kahit parang duguan na noo ko
si ate tindera, namumula na sa pagpigil ng tawa!! hehehe
aus! ayun, saya-saya ko kasi yung maghapon na boring sa bahay, ayun! at nag kakwento, saya!! ; ]

day 1 yun,,,
eto ang day two,,,

uwi nako ng munti sa Bhaus ko
eh xempre umagang umaga di ba, antok ka pa kahit may pasok na sa work
sakay ako ng Multi cab, ung GOLD sa may SM Molino
bigat ng Bag ko pero keri lang
ang lagay eh, nakatulog ako sa CAB!!
sarap! hanggang sa paggising ko Terminal na at babaan na pala
baba naman ako,,,

eto ang wento,
sa kakapili ko ng jeep na sasakyan, aba aztig! ung nasakyan ko na jip andun ung mga shoolmate ko dati, na kaklase ko dati, na student pa rin ngayun pero "ma'am" na ko nila,,, hehehe
pag-akyat ko, "ma'am, punta ka din ng San Pedro?"
sabi ko "ha? bakit? hindi, pauwi lang ako"
sabi ni isa, " eh bakit san pedro sakay mo?"
sabi ko,, "di nga? san pedro to?"
sabi "uu nga!"
hala!! sabay sabi ko sa driver, "mama! sandali lang po, nagkamali lang!!" hehehe
sabay hagalpak ng tawa ung dalwa!! pang-asar!
hehehe, badtrip talaga. siguro tulog pako ng time na un.
ayun, eh di bumaba ako ng may ngiti sa labi,
galing no? kahit papano napasaya ang araw ko dahil sa katang**** ko ; ]
ok??

Friday, March 19, 2010

good day!!

its a nice morning.
pinag-iisipan ko lang at this moment kung kelangan ko pa bang mag-breakfast kahit na 10:30am na or antayin ko na lang na mag lunch time para brunch na lang??
hehehe, mukhang ang kalalabasan eh sa kakaisip ko kung ano dapat ang choice eh aabutin din ako ng lunch time!!
yan ang masarap sa pag-boboarding house. super/mega/duper/diamond/for all season kung magtipid. mahirap magbudget ha, tsk tsk.

aus!

isip isip,,,

ilang days na lang, ayun oh! mangyayari na talaga.
napapaisip tuloy ako...
pag ang Baygon ba ini-spray sa mukha nakakamatay o nakakahilo lang katulad ng nagyayari sa ipis?
-wala pa kasi gusto mag try.
xempre ayoko magtry kasi wala pako nalamang nag-try nun. if ever, ako ang mauuna kaya nakakatakot di ba?

eh ung hawakan ang umiikot na elise para patigilin ito?
ano ba yang naiisip ko,,, siguro antok na talaga ako.
haiz,,, sige na nga. bukas uleet... ; ] ; ] ; ] ; ] ; ] ; ] ; ]

wow! this is it!!

mga 2:34 am na dito sa clock ng laptop ko. Friday, pero di pa ko natutulog.
Nadiscover ko lang 'tong blogspot from a friends site. meron pala nito, sa sobrang dami ng links na sinalihan ko (e.g., facebook, friendster, sulit, multiply, myyearbook, myspace, multiply, ning.com,) at kung ano ano pang sites, ilan lang jan ang alam ko pa ang password. Mejo magulo kasi akong tao, pagmeron naisipan, go! at sobrang confident na maaalala ko pa lahat samatalang at the age of 20 ulyanin na ako. hehehe
active na mga sites ko, facebook tz sulit. Fb para sa friends at sulit para sa sideline. aba, malaking tulong ang net sa sideline ko ha, marami na rin akong naclosed na transaction sa Rent-a-van service ko. ok din naman ang kita though once in a blue moon kung may magpa-book. hehe

alam mo, isa sa mga isyu ko sa sideline ko na yun is yung mentality ng mga inquirer. grabe, kulang na lang hiramin na lang ang van at mag thank you kung magpresyo ng rent. yun tuloy, hi-blood si kalbo! haha

eto wento ko, worst na araw to sa lahat ng araw sa mga araw dito sa current career ko, grabe!
tingin ko nga nag 180/180 ang dugo ko.
bakit kaya may mga ganung estudyante? akala nila pumasok sila para lang magdisplay at magpacuteness sa school instead na mag-aral at makinig. at eto pa, instead na mahiya dahil hindi makajoin sa discussion, aba may gana pang ngumiti na para bang proud na Bopol xa!! well, sori sa term i know walang bopol, TAMAD NAGLIPANA!!
salamat sa hangin naa pumasok sa ilong ko at nagawa ko pang huminga at kung hindi baka sa Ospital ako lumagpak!